Tuesday, November 11, 2008

alay sa'yo..

Kailan
Laging malayo ang tingin
Tulala pa sa hangin
Ang isipa'y parang
Nakalutang
Ewan
Hindi ko rin alam
Ayoko nang ganyan
Nakabitin parang
Mahuhulog
Kailan
Madarama ang iyong pagmamahal
Na ang nais lang ay makasama ka
Sa buhay ko
Sana'y malaman mo
Na tunay ang pag-ibig ko sa'yo
Laglag ang puso ko sayo,pigilan man ito
Di na kaya, huli na,mahal ka na….
Sanay malaman mo,..maghihintay pa rin ako….
Kailan…….Kailan??

sa aking mahal

bakit ka ganyan...?
ba't di mo ako kayang saktan?
sana naman'y maipakita mo...
maipadama mo...
ang sakit...
kahit pilit kong iniisip na di ka mabuti...
na sobrang sama mo...
ang sama-sama mo...
ba't di mo ako suntukin,...
sampigahin...,
batukan...,
sabihan ng pinakamasakit na salita...
bakit???
ano ba ang kailangan kong gawin...
upang malimutan ka...
sapat na ba ang mapanglait na salita...?
ang di ka tingnan...
ang di ka kausapin...
ang pilitin ang sarili na wala kang kwenta...
pero bakit di ko kayang malimutan ang tulad mo...
kahit ang lahat ng ito'y subok na ginagawa...
aminin man o hindi...
sabihin man o hindi...
ipakita ko man o hindi...
mahal kita...
kahit masakit na...